Natuwa naman ako dahil yung isa kong kakilala e nagkabeke.
Sabi nya nakuha nya daw yun sa isang opismeyt nya. Lantaran daw kasing nagpapapasok kahit mala-bola na ng basketbol ung bukol ng opismeyt nya sa muka. Sabi nya, tinatanong daw nila kung ano yung nasa muka ng opismeyt nila at bakit lumobo ng ganun. Ang sagot daw ng opismeyt nila e meron daw syang pimpol. ano yun, malabolang pimpol? syet.
Ganun pa man, hindi ko lubos maisip na nagkabeke pa rin yung kakilala ko sa edad nyang yun. Iniisip ko kasi, sa mga batang uhugin lang nababagay ang sakit na beke. Hindi naman uhugin yung kakilala ko. at lalong d sya bata. wapak!
Bwakanang! sabi ko sa kanya huwag nalang muna siyang pumasok sa opis nila kasi baka lahat ng tao doon e magkaroon ng bola sa muka. Mabuti naman sana kung libre ang deflator sa kanilang opisina. Sabi niya, wala daw siyang magagawa. Kasi no work no pay daw ang patakaran sa kanila at saka ayos lang naman daw. Yun nga raw daw ang porpos nya kaya pa siya nagpapapasok. Para lahat magkaroon ng bola sa muka.
Abnormal talaga yung kakilala ko. Pero naisip ko rin na maganda ang kanyang hangarin na palaganapin ang pagkakaroon ng malabolang bukol sa mukha sa kanilang opisina. Setting the trend ba. At least masasabing sya ang nagpauso nung ganung itsura. May title kumbaga.
Sabay nabalitaan ko nalang na hindi na rin sya pumasok. Ayaw nya na raw magpauso. Magpapadoktor nalang daw muna siya.
Pa-uso
10.24.2008 at Posted under
Subscribe to:
Posts (Atom)
Template by Oriol Sanchez | blogger template by blog forum