Pa-uso

Natuwa naman ako dahil yung isa kong kakilala e nagkabeke.

Sabi nya nakuha nya daw yun sa isang opismeyt nya. Lantaran daw kasing nagpapapasok kahit mala-bola na ng basketbol ung bukol ng opismeyt nya sa muka. Sabi nya, tinatanong daw nila kung ano yung nasa muka ng opismeyt nila at bakit lumobo ng ganun. Ang sagot daw ng opismeyt nila e meron daw syang pimpol. ano yun, malabolang pimpol? syet.

Ganun pa man, hindi ko lubos maisip na nagkabeke pa rin yung kakilala ko sa edad nyang yun. Iniisip ko kasi, sa mga batang uhugin lang nababagay ang sakit na beke. Hindi naman uhugin yung kakilala ko. at lalong d sya bata. wapak!

Bwakanang! sabi ko sa kanya huwag nalang muna siyang pumasok sa opis nila kasi baka lahat ng tao doon e magkaroon ng bola sa muka. Mabuti naman sana kung libre ang deflator sa kanilang opisina. Sabi niya, wala daw siyang magagawa. Kasi no work no pay daw ang patakaran sa kanila at saka ayos lang naman daw. Yun nga raw daw ang porpos nya kaya pa siya nagpapapasok. Para lahat magkaroon ng bola sa muka.

Abnormal talaga yung kakilala ko. Pero naisip ko rin na maganda ang kanyang hangarin na palaganapin ang pagkakaroon ng malabolang bukol sa mukha sa kanilang opisina. Setting the trend ba. At least masasabing sya ang nagpauso nung ganung itsura. May title kumbaga.

Sabay nabalitaan ko nalang na hindi na rin sya pumasok. Ayaw nya na raw magpauso. Magpapadoktor nalang daw muna siya.

Anonymous said... said:

October 24, 2008 at 1:31 PM

hinde naman... naisip ko na mas magandang palaganapin ito sa mas ma-taong lugar tulad ng mall..kaya nandito ako sa tamabayan ko... nagpapalaganap...share your blessings ika nga!

kegler747 said... said:

October 24, 2008 at 1:57 PM

I recommend complete bed rest & lots of Vitamin C

Anonymous said... said:

October 24, 2008 at 2:03 PM

bawal ang mga fruit juices at mga may citric acid.... H20 lang..

at least di ka nag koment na lagyan ko ng vinegar at tinang kolor blue..kundi tatawa talaga ako ng bonggang bonga!! sa pinoy kasi ganun..hahahha well actually para lang makita nila at lumayo sila sayo hahaha!! yun ang logic nun!

cold compress/hot compress for the swollen area
at pain relievers kung masakit...

Anonymous said... said:

October 24, 2008 at 3:49 PM

baka nakalunon lang yan ng mangga

Template by Oriol Sanchez | blogger template by blog forum